Huwebes, Hulyo 13, 2017

Pagpasok sa Paaralan:Hindi Malilimutang Karanasan

 

         Naranasan mo na ba ang umuwi sa inyong tahanan galing sa paaralan na nakaukit sa mukha ang iyong ngiti dahil marami kang natutunan ngayong araw? Kinabahan ka na rin ba sa mga pagkakataong sinabi ng iyong guro na may pagsusulit kayo kinabukasan? Naramdaman mo na din bang bumilis ang tibok ng iyong puso sa t'wing tinatawag ng iyong guro ang iyong pangalan yung sagutan ang tanong na nasa pisara? O ang mapuyat sa gabi sa paggawa ng iyong takdang aralin at mga proyekto? Kung hindi, tunghayan ninyo ang aking lathalain.


      Masaya. Ganyan ko mailalarawan ang aking karanasan sa pagpasok sa paaralan. Marami akong nakilalang mga kaibigan na laging naka-alalay sa aking sa tuwing ako'y matutumba. Mga gurong nagbigay sa akin ng dahilan kung bakit kailangan kong magkaroon ng determinasyon sa pag-aaral. Mga magulang na laging sumusuporta at nagturo sa akin ng unang hakbang upang makamit ang tagumpay.


      Naalala ko pa noon, mahigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag habang hawak sa aking kanang kamay ang aking baunan. Naririnig ko ang iyak ng mga batang nasa aking paligid na nakikiusap sa kanilang mga ina na huwag silang iwanan. Iyan ang una kong ala-ala bilang estudyante. Ngunit ngayong nasa ika-anim na baitang na ako, nagapagtanto ko na tinatawid ko pa lamang ang unanh hagdan ng aking pangarap at madami pang mga hagdan ang kailangan kong akyatin upang makarating sa pinakatuktok 
      Para sa akin, ang pag-aaral ay parte ng ating buhay na nagtuturo sa atin upang hindi tayo maligaw sa daan na ating tinatahak at makapaghanda sa mga karanasang kakaharapin sa hinaharap sapagkat ang edukasyon ay ang kayamanang kailanman ay hindi mananakaw

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento